KORONADAL CITY – Umabot na sa mahigit 150 ang naitalang nasawi sa pagbagsak ng A320 Airbus plane sa Karachi, Pakistan.

Ito ang inihayag ni Bombo international correspondent Harija Ismani Hasan sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kung saan kabuuang 154 na ang death toll sa nasabing trahedya matapos inararo ng eroplano ang residential area at pininsala ang anim na kabahayan.

Ayon kay Hasan, nasa 49 umanong mga residente ay binawian ng buhay sa aksidente maliban pa sa 105 na casualties mula sa eroplano.

Pahirapan din ang clearing operations upang marekober ang iba pang biktima na natabunan ng debris sa plane crash.

Nagdeklara naman ang Pakistani government ng state of mourning bilang pakikiramay sa mga nasawi.