-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Pakistan sa mga bansa na sila ay tulungan dahil sa nararanasan nilang malawakang pagbaha.

Ayon sa climate minister na nasira ng nasabing flash floods ang maraming bahay, pananim at mga kalsada.

Aabot na rin aniya sa mahigit 1,100 na mga katao ang nasawi dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Sinasabing nasa one-third umano ng bansa ang nalubog na sa baha.
Tinatayang apektado sa nasabing pagbaha ang mahigit na 33 milyong mamamayan nila.