CEBU CITY – Buhos pa rin ang pakikiramay sa mga naulili ng oncologist na kabilang sa mga Cebuano frontliners laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa Facebook post ng anak na si Dennis Thomas Tudtud, kinumpirma nito ang pagpanaw ng kanyang ama na si Dr. Dennis Ramon Tudtud.
Una nang pumanaw ang ina nito na pathologist sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Inilarawan pa ng anak na si Dennis Thomas na nagbi-birthday ngayong aaraw, na isang passionate na oncologist ang kanyang ama at laging inuuna ang kanyang mga pasyente.
Maalala na March 27 din nitong taon pumanaw ang asawa na si Dr. Helen Tudtud na tinuturong coronavirus disease 2019 fatality sa lungsod ng Cebu at nagsilbi ring frontliner sa COVID-19 crisis.
Labis na ikinalungkot ng pamilya at ng mga Cebuano na pinagsilbihan nito, ang naturang pangyayari.
Samantala, batay sa naunang post ng anak na si Dennis Thomas, inihayag nito na hindi nila alam kung paano nakuha ng kanilang mga magulang ang COVID-19 dahil hindi umano ito bumiyahe kamakailan sa ibang bansa.