-- Advertisements --
Bumuhos ang pakikiramay sa pagkamatay ni speed skating world champion Lara Van Ruijven sa edad 27.
Pumanaw si Ruijven dahil sa autoimmune disorder na nakuha noong nakaraang buwan sa France ng maaksidente sa training camp.
Sinabi ng kaniyang coach na si Jeroen Otter, na bumigay na ang katawan nito matapos na mailagay sa artifical coma.
Nagwagi ng 500-meter title sa world championship sa Sofia noong nakaraang tao at Olympic bronze medal sa 3,000 meter relay noong 2018 Pyeonghchang Games.
Ilan sa mga nagpaabot ng kalungkutan at pakikiramay ang mga kasamahan nito sa Royal Dutch Skating Federation (KNSB) at mga malalapit na kaibigan nito.