-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagpanaw ni Commission on Human Rights chairman Atty. Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng kaniyang kapatid na si Miguel Gascon ang pagpanaw ng CHR chairman kaninang umaga.

Sinasabing nagpositibo ito sa COVId-19 at hindi nakayanan ng kaniyang katawan ang epekto ng virus.

Itinalaga si Gascon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2015.

Ilang malapit sa opisyal ang agad nagpaabot ng kalungkutan dahil sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, wala pang nailalabas na detalye ang pamilya kung kailan ang libing at kung may mga programang idaraos para sa pagpanaw ni Gascon sa edad na 57.