-- Advertisements --

Nanguna ang ilang mga rock musician sa pagpapahayag ng pakikidalamhati kaugnay sa pagpanaw ni Ricky Sta. Ana, ang icon sa skin art ng Pilipinas.

Isa rito ang dating bokalista ng rock band na Urbandub na si Gabby Alipe (featured articl photo) na napabalik-tanaw sa hindi pa raw natatapos na tattoo sa kanyang likod.

Kabilang din sa mga nagpaabot ng pakikiramay ang rcoker turned actor na si Marc Abaya at Jay Contreras ng Kamikazee.

Marc Abaya

“Paalam Idol! Isa ka sa dahilan kung bakit batanggap at lumago ang Tattoo culture ng Pinas!!! Salamat sa lahat ng ala ala nating dalawa sa cartimar! Sa lahat ng sakit na binigay mo sakin kapalit ng ganda sa balat! Sobrang proud ako na ikaw ang isa sa mga nagpuno ng katawan ko! Pahinga ka na Maestro!” ani Contreras.

Ang nasabing tattoo legend ay sumakabilang-buhay sa edad na 50 kahapon, dahil sa cancer.

Sa Instagram post ng tattoo studio nito na Skinworkz, nakasaad na magpapahinga muna sila sa social media upang makapagplano para sa hinaharap ngayong wala na si Sta. Ana.

Si Ricky ay naging lider din ng Philippine Tattoo Artists Guild at co-founder ng Dutdutan o ang pinakamalaking tattoo event sa bansa.