-- Advertisements --

Hindi lubos akalain ng isang babae na kaniyang nabiling painting na nagkakahalaga ng $4 sa mga bilihan ng segunda manong bilihan ay may nakakagulat ng presyo.

Ayon sa antique enthusiast na hindi na pinangalanan ng makita niya ang painting na may pirma ni N.C. Wyeth sa isang thrift store noong 2017 ay nagbiro pa ito na ang $4 na halaga ay maaring tunay na gawa ng kilalang artist na nakahanay Wyeth family na pamilya ng mga pintor.

Una kasi itong naghahanap ng frames para magamit sa thrift store sa Manchester, New Hampshire ng makita nito ang painting kaya agad niya itong binili.

Ilang taon niyang isinabit ang painting sa kaniyang kuwarto dahil sa hindi ito makahanap ng anumang impormasyon sa internet.

Matapos ang ilang taon ay ipinost nito sa social media ang nasabing painting hanggang may ilang nagkomento at binanggit ang anak ng painter na si Andrew Wyeth at apo nitong si Jamie Wyeth.

Kinumpirma ng anak nito na ang nasabing painting ay obra ng kaniyang ama.

Ayon sa Bonchams Skinners Auction house na ang nasbing painting ay maaarig mabili ng hanggang $250,000.

Magsisimula ang nasabing auction sa buwan ng Setyembre.