Naging masaklap ang pagkatalo ng NorthPort sa kamay ng Rain or Shine 70-68 sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.
Itinuturing na isang bayani si Rey Nambatac matapos maipasok nito ang dalawang free throes sa natitirang 1.3 seconds ng laro.
Hindi naman kuntento dito si Rain or Shine coach Caloy Garcia dahil hindi naging malayo ang kalamangan nila sa panalo.
Posibleng napagod lamang aniya sila sa tatlong magkakasunod na laro kaya bumagal ang kanilang paglalaro.
Nanguna sa panalo si Adrian Wong na nagtala ng 15 point habang mayroong 11 points si Sidney Onwuebere at 10 points naman ang naitala ni Nambatac.
Dahil sa panalo ay mayroon tatlong panalo at wala pang talo ang Elastopainters na kasama ang TNT sa unang puwesto.