Naniniwala ang Malakanyang na estratehiya lamang ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang naging pahayag ng mga abugado nito na mapapawalang sala ang kanilang kliyente sa impeachment trial.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hayaan na lamang kung yan ang paniniwala ng mga abugado ng Pangalawang Pangulo dahil kanila itong estratehiya.
Muling binigyang-diin ni Castro na walang kinalaman ang Office of the President sa Impeachment trial laban kay VP Sara.
Inihayag din ni USec. Castro na wala sa kamay ni Pangulong Ferdinand Marcos ang patungkol sa impeachment trial.
Tugon ito ni Castro ng tangungin kung nanatili ang tindig ng Punong Ehekutibo na huwag pa rin pigilan ang napipintong impeachment trial laban sa pangalawang pangulo.
Giit ni USec. Castro ang kapalaran ni VP Sara sa impeachment trial ay nasa kamay ng senado.