CAUAYAN CITY- Ipinapanukala ng pamahalaan ng Spain ang pagtitipid ng kuryente dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan at sa iba pang bahagi ng Europe .
Ayon kay Bombo International News Correspondent Michelle Abad na dahil sa matinding init ay hindi maiwasang masira o mag-malfunction ang ilang kagamitan sa bahay tulad ng mga appliances.
Sa ngayon ay may ilang hakbang na ang mga Electric company sa pag-aalok ng kontrata sa mga kumokonsumo ng kuryente.
Maliban sa heatwave ay apektado pa rin ang Espanya sa kakulangan ng Gas dahil sa pagkakaantala o pagpapatigil ng supply na inaangkat mula pa sa Russia dahil sa pagtigil ng pagtutustos ng langis ng Nord Stream 2.
Ang langis o petrolyong inaangkat sa Algeria ang pansamantala nilang ginagamit o kinokonsomong kuryente kaya isinusulong ang pagtitipid sa konsumo ng kuryente.
Samantala nanatili pa ring mataas ang presyo ng produktong petrolyo sa Espanya dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine maliban pa sa pagkakaantala pa rin ng pagdating ilang pangunahing mga produkto.