-- Advertisements --
image 249

Sinimulan na ng Quezon City government na gamitin sa mga official documents ang pagtawag ng Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue sa dating Agham Road.
Ito’y makaraang pahintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging batas ang Republic Act (RA) No. 11963.
Ang RA 11963 na pinamagatang “Act Renaming the Agham Road and the BIR Road As Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ay naging batas nang walang pirma ng Pangulo alinsunod sa Artikulo VI, Seksyon 27 ng Konstitusyon.
Dahil dito, ang Department of Public Works and Highways ay maglalabas ng mga kinakailangang tuntunin, kautusan at mga sirkular upang ipatupad ang mga probisyon ng batas na ito sa loob ng 60 araw mula sa araw na magkabisa ito.
Ang panukala ukol dito ay ipinasa ng Kamara at Senado noong Marso 21, 2023, at Agosto 14, 2023.
Si Sen. Santiago ay nakilala sa kaniyang matatapang na pakikipagdebate sa Senado, naging miyembro ng gabinete at napili bilang judge sa International Criminal court (ICC), ngunit hindi na nakaupo dahil sa karamdaman.