Iginiit ng Forest Foundation Philippines sa isang pagdinig sa Kongreso na hindi epektibo ang paggamit ng konkreto at iba pang matitigas na materyales para maiwasan ang baha sa mga siyudad.
Ayon kay Alaya de Leon, Deputy Executive Director, nanguna na naman ang Pilipinas bilang pinaka-delikadong bansa sa baha sa 2025 World Risk Index, kung saan 193 bansa ang kasama.
Iminungkahi nila na gamitin ang nature-based solutions (NBS), gaya ng ginawa sa Benjakitti Forest Park sa Bangkok, Thailand.
Ang parke na ito, na dating pabrika ng tabako, ay kayang mag-imbak ng 200,000 cubic meters ng tubig-ulan mula sa mga kalapit na lugar tuwing tag-ulan.
Ayon kay De Leon, ang parke ay dinisenyo bilang isang “sponge city” na sumisipsip ng tubig-ulan at baha.
Dagdag pa niya, mas epektibo ang natural na solusyon kaysa sa pagkokonkreto ng mga siyudad, at kailangang maging mas “absorbent” o sumisipsip ang mga lungsod.










