Ipinanawagan ni OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagtatayo ng karagdagan pang mga OFW Hospital sa Visayas at Mindanao.
Sa kasalukuyan kasi ay tanging sa probinsya lamang ng pampanga dito sa Luzon ang napatayuan pa ng nasabing uri ng ospital. Limitado lamang ito s amga kalapit nitong probinsya, katulad ng Tarlac, Pangasinan, at Nueva Ecija.
Ayon sa Kongresista, mahalagang magkaroon din ng access sa libreng medical services ang mga Overseas Filipinos na nasa Visayas at Mindanao.
Sa ilalim ng OFW Hospital ay libre din ang medical services para sa mga kaanak ng mga OFW, kayat tiyak aniyang mas maraming makikinabang sa mga nasabing rehiyon, kapag ilapit ito sa kanila.
Kasabay nito ay nanawagan ang kongresista na palawakin pa ang information dissemination upang maipaalam sa mga OFW na may ospital na nakalaan para sa kanila at mga kapamilya.