Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pagtatayo ng mga infrastructure na tutugon sa banta ng kalikasan at epektibong maprotektahan ang mga komunidad sa panahon ng kalamidad.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng mga infrastraktura na pangmatagalan ng sa gayon hindi na mahihirapan ang ating mga kababayan lalo na yung mga naapektuhan ng mga kalamidad.
Binigyang-diin ng chief executive na committed ang kaniyang administrasyon na magkaroon ng sustainability, climate resilience, disaster-proofing sa lahat ng yugto ng “Build, Better, More” program ng pamahalaang.
Ang mga proyektong pang-imprastraktura ay idinisenyo laban sa mga kalamidad.
Sa talumpati ng Pangulong Marcos sa ADB reception, kinilala nito ang banta ng climate change lalo at ang bansa ay kilalang nasa “typhoon belt” at “ring of fire.”
Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang malakas na partnership sa ADB na tinagurinang “climate bank” ng Asia at Pacific.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Asian Development Bank (ADB) President Masatsugu Asakawa na tutulong sila para matupad ang mga programang inilatag ng Marcos Jr. administration partikular ang pagtugon sa kahirapan.
Ayon kay Asakawa nasa $4 billion na pinansiyal na tulong ang ibibigay ng Asian Development Bank para suportahan ang ang socio-economic agenda ng Marcos Jr. administration, kabilang dito ang mga railways project.
Ibinahagi din ni Asakawa na umabot na sa $14-billion assistance package mula sa taong 2022 hanggang 2025 para tugunan ang food security issue.
Nasa anim ng dekada ang partnership ng ADB at Pilipinas sa pagsusulong ng mga makabuluhang proyekto.
Binigyang-diin ni Asakawa na ang ADB ay isang steadfast partner ng Pilipinas kung saan patuloy nitong sinusuportahan ang mga malalaking proyekto ng pamahalaan.
Ipinunto din ng Chief executive na maraming oportunidad na ibinigay ang ADB sa Pilipinas hindi lamang sa mga proyekto kung hindi sa iba pang mga aspeto.
Sa pulong nina Pangulong Marcos at ADB President Masatsugu Asakawa kanilang tinalakay ang mga programang nasa pipeline na ngayon kabilang ang Food stamp program na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na malaking tulong para sa mga mahihirap nating kababayan.
Inihayag ng Pangulo na ang konsepto sa ibang bansa ng Food stamp program ay ang pagbibigay ng nutritional support sa mga pamilyang mahihirap.
Maging ang partnership sa TESDA at Civil Service Digitalization.