-- Advertisements --

PInawalang bisa ang pagtatalaga ng 804 personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kawalan ng kanilang eligibility.

Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang Jr., kanila ng tinutugunan ang mga problema sa personnel ng bureau sa pamamagitan ng pagkakaroon ng directorate office para sa kanilang edukasyon at pagsasanay.

Bumubuo na rin ng programa ang ahensiya para matugunan ang kinakailangang pag-aaral ng kanilang kawani para sa kanilang career advancement.

Una rito, nagresulta sa dismissal ng 233 kawani ng Bureau noong Marso matapos bigong tumalima sa mas mahigpit na elegibility requirements na itinakda sa ilalim ng BuCor Act of 2013.

Noong nakalipas na linggo naman, nanumpa si bagong talagang Correctional Technical Superintendent Marjorie Ann Santidad, 4 na bagong talagang non-uniformed personnel at 7 bagong hired na non-uniformed personnel at inaasahang mas marami pang personnel ang mapo-promote at magha-hire ng bago pang mga personnel.