-- Advertisements --

Nagtalaga si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong caretaker ng bansa.

Ito’y habang nasa Malaysia si PBBM upang dumalo sa 2025 Asean Summit.

Ayon kay Exec. Sec. Lucas Bersamin, tatlo silang iniluklok bilang mga caretaker kung saan kabilang din sina Justice Sec. Boying Remulla at Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III.

Bibiyahe si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon ngayong hapon patungong Kuala Lumpur.

Hindi naman binanggit ng Malakanyang kung anong oras ang alis ng Pangulo.

Samantala, hindi rin sinabi kung sinu-sinong mga opisyal ang makakasama ng Pangulong Marcos sa naturang biyahe. (Via Bombo Anne Soberano)