Pansamantalang hindi itutuloy ang nominasyon para sa susunod sa prime minister ng Lebanon matapos magpahayag ang ilang major Christian parties na hindi nila susuportahan ang hahalili sa pwesto ni Prime Minister Saad Hariri.

Nagbitiw sa pwesto si Hariri noong Oktubre 29 sa kabila nang malawakang kilos-protesta laban sa pamumuno nito sa nasabing bansa ngunit tila nagbabadya itong bumalik dahil sa bigong pagsuporta ng ilang kandidato mula sa Sunni Muslim establishment.

Nakapalood sa complex political system ng Lebanon na ang susunod na prime minister ng bansa ay dapat isang Sunni, ang presidente ng Maronite Christian at tagapag-salita ng Parliament a Shia Muslim.

Base naman sa modern-day interpretation ng key article sa Constitution, kinakailangang mayroong pantay na kinatawan ng Christian at Muslim sa parlyamento at government.