
Binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang pagtatalaga kay Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban bilang officer-in-charge (OIC) ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Tinawag pa nga ito ng mambabatas na “epitome of impunity” dahil itinalaga si Panganiban na pamunuan ang SRA sa kabila ng mga akusasyon ng “government-sponsored” na pagpupuslit ng asukal sa gitna ng napipintong imbestigasyon ng Senado sa umano’y iligal na pag-aangkat ng asukal noong unang bahagi ng taong ito.
Idinagdag niya na kung ito ay ibang gobyerno, si Panganiban ay nasuspinde na at sasailalim sa mga kriminal at administratibong imbestigasyon.
Bago ang appointment ni Panganiban, ang SRA ay pinangunahan ni David Thaddeus Alba, na nagbitiw dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.
Bagama’t nangyari rin ang pagbibitiw ni Alba matapos siyang masangkot sa kontrobersiya sa pag-import ng asukal.