Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na pagtanggal ng pass-through fees para sa lahat ng food delivery trucks.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, ang presyo ng pagkain ang pangunahing factor sa pagsipa ng inflation sa bansa kung kayat pinag-aaralan na ma-exempt ang mga truck na nagdadala ng mga pagkain upang hindi makadagdag sa inflation.
Sa kasalukuyan, hinihingan na aniya ng komento ang lahat ng relevant agencies kaugnay sa ibinabang executive order no. 41 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsususpendi sa paniningil ng pass through fees na ipinapataw sa mga delivery trucks na dumadaan sa mga national road at iba pa na hindi ipinatayo o pinondohan ng mga lokal na pamahalaan.
Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang gastusin sa transport at logistics na kadalasan ang mga konsyumer ang pumapasan.