CAUAYAN CITY- Nagkakaroon ngayon ng deadlock ang Kamara at senado kaugnay sa stimulus package para sa COVID-19 response.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Congressman Antonio ‘Tony Pet’ Albano, sinabi niya na isinusulong nila sa kongreso na magkaroon ng stimulus package plan na may P1.3 trillion subalit nagkaroon sila ng deadlock sa senado dahil ang kanilang ipinasa ay P175 bilyong .
Ayaw din aniya ng executive branch pangunahin na ang Department of Finance (DOF) na aprubahan ang bersyon ng kongreso dahil wala pang income ang pamahalaan.
Iginiit naman ng mambabatas na maganda ang bersyon ng kongreso dahil puwedeng matulungan ang lahat ng sektor.
Samantala, sinabi pa ni kinatawan Albano na maari pang makahabol ang ekonomiya ng bansa sa third quarter ng taon basta ituloy ang build build build program ng pamahalaan.