Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa mga Cabinet officials na gumawa ng plano para maresolba ang pagtaas ng preso ng pagkain na mas lalong dumadagdag sa problema ng mga Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Dapat aniya ay gawin itong prayoridad sa susunod na Cabinet meeting.
Hinikayat din nito ang trade and agricultural officials na magtulong-tulong sa pagbalangkas ng plano kung papaano mapapababa ang presyo ng isda, gulay at karne sa merkado.
Ayon sa senador, kung pagbabasehan ang daily monitoring ng gobyerno sa presyo ng agr-fishery commodities sa Metro Manila ay kapansin-pansin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
As of November 23, tumaas ng 194 percent ang presyo ng ampalaya, 200 percent naman ang itinaas ng presyo ng sili kumpara noong nakaraang buwan. Batay naman sa ulat ng Philippine Statistics authority, ay dumoble ang presyo ng repolyo at sayote sa loob lamang ng 30 araw.
Gayundin ang presyo ng pechay, kamati at sibuyas.
Dagdag pa ni Recto, kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain ay hindi na ito mabibili ng mga manggagawa na maliit lamang ang sinasahod.