-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang dpat ikabahala ang publiko sa naging 6% na increase sa mga dengue cases sa bansa nitong huling dalwang linggo ng Mayo.

Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, batay sa datos ng kanilang tanggapan, simula Abril 27 hanggang Mayo 10, nakapagtala ang DOH ng 6,192 na mga kaso ng dengue na bahagyang tumaas noong Mayo 11 hanggang 24 sa 6,217.

Aniaya, hindi nakikitang nakakaalarma ang naging pagtaas sa kaso dahil sa mga ganitong mga panahon naman tumatas talaga ang bilang ng mga kaso ng dengue.

Sa kabilang banda, nanawagan si Domingo na bagamat normal ang mga naging pagtaas sa bilang ng mga natatamaan ng dengue sa bansa sa ganitong mga panahon ay huwag na sana aniya itong hayaang palobohin pa.

Dagdag pa ni Domingo, pasok sa global standard ang fatality rate ng Pilipinas sa pagsugpo ng dengue. Tintayang nasa 0.4% ang kasalukuyang fatality rate ng bansa kung saan sa 100 mga pilipinong may dengue, hindi tataas sa apat ang namamatay.

Samantala, nauna naman na dito ay naglunsad na ng programa ang DOH para mas mapalakas pa ang kanilang laban kontra sa pagdami ng dengue cases sa bansa.