Pinawi ng isang eksperto ang pangamba ng publiko sa nakitang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na inaasahan na aniya ang pagtaas sa mga akso dahil sa nadetect na Omicron subvariants na BA.5, BA.4, at BA.2.12.1.
Subalit kapag titgnan aniya ang naitalang mahigit 300 kaso ng COVID-19 hindi dapat aniya ito ikabahala.
Ayon kay Dr. Solante na naranasan na ng bansa na makapagtala ng maraming kaso sa kasagsagan ng pagtama ng highly transmissible variants ng COVID-19 gaya ng Delta at Alpha sa ating bansa kung kayat mayroon na aniya tayong kaalama para pangasiwaan ang mataas na kaso.
Inirekomenda ni Dr. Solante na panatilihin pa rin ang striktong pagsunod sa health protocols gaya ng pagsusuot pa rin ng face masks at pagbabakuan laban sa virus lalo na ang unang booster.
Nitong araw ng linggo, nakapagtala ang banasa ng 308 bagong kaso ng COVID19 na pinakamataas na daily tally simula noong Abril 20.