-- Advertisements --

Nakatakdang tanggalin na ng South Korea ang pagsusuot ng facemask sa karamihang mga indoor spaces.

Simula Enero 30 ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng facemask sa karamihang indoor spaces.

Paglilinaw pa rin ng South Korean government na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa pampublikong sasakyan at sa mga medical facilities.

Kapag ang isang indibidwal ay nagpositbo sa COVID-19 ay pagsusuotin pa rin nila ang mga ito ng face mask at kailangan pa rin silang mag-isolate ng pitong araw.

Magugunitang nagsimulang magpatupad ng mandatory na paglalagay ng face mask ang South Korea noong Oktubre 2020.