-- Advertisements --

Muling raw nangako si Secretary of State Antony Blinken na isusulong ng Estados Unidos ang kapayapaan at kasaganaan sa rehiyon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, na-appreciate daw ng US ang commitment nito sa bansa bilang equal at sovereign partner.

Una rito, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na nais daw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mas maraming economic activities sa pagitan ng Pilipinas at US sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sinabi rin ni Romualdez na mayroon na raw siyang discussion kasama si Finance Secretary Benjamin Diokno kaugnay ng naturang isyu lalo na sa pagkuha nang mas maraming investments mula sa US.

Inimbitahan na rin ni US President Joe Biden si Marcos na bumisita sa Washington.

Tinitignan na rin daw ni Marcos kung dadalo ito sa United Nations General Assembly sa New York sa buwan ng Setyembre at inaasahang magbibigay ng talumpati.

Posible rin umano ang side meeting kasama si US President Joe Biden.

Pero sinabi naman ni Romualdez na mas gusto nito ang hiwalay na inaugural bilateral summit sa pagitan ni Marcos at American leader ngayong taon sa Washington, D.C.