lani revilla 2
Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla

Nanawagan si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa lahat ng baranggay officials sa kanilang lungsod na bantayan ang bawat sulok ng Bacoor dahil sa mabilis na pagdami ng illegal gamblers sa lugar.

Kasama si Bacoor PNP Chief Vicente Cabatingan at ilang konsehal ay pinamunuan ng alkalde ang pagsira sa lahat ng nakumpiskang fruit game machines.

-- Advertisement --

Ang aktibidad na ito ay alinsunod na rin sa kampanya ng pamahalaang lungsod at Philippine National Police laban sa illegal gambling.

Aminado si Mayor Revilla na malaki ang kita sa mga fruit game at video karera kung kaya’t mabilis na dumami ang mga ganitong uri ng iligal na laro sa Bacoor na lubha umanong nakakasira sa kinabukasan ng mga kabataan at mamamayan.

Nagbigay babala rin ang alkalde na haharap sa matinding kaparusahan ang sinomang mahuhuli na gumagamit o utak sa likod ng mga naturang iligal na laro.