BOMBO DAGUPAN -Natural na umano para sa mga residente ng Israel na makaranas ng mga kaguluhan sa kanilang bansa.
Gayunpaman, ayon kay Alicica “Aice” Pitel, ang Bombo International News Correspondent sa Israel, maituturing nila na ang kasalukuyan giyera na sinimulan ng grupong Hamas na ang pinakamatindi sa mga nagdaang taon.
Bagamat ilang beses ng nakaranas ng kaguluhan ang naturang bansa at sa pitong taon ng pamamalagi roon ni Pitel, nakita aniya nito ang kamay ng gobyerno ng Israel pagdating sa paniniguro ng seguridad at kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
Ang pag-atake aniya ng Hamas ay biglaan at itinaon pa kung kailan naka-holiday ang Israel kung saan laganap ang kanilang tinatawag na Sabbath.
Pagbabahagi pa ni Pitel na isa sa layunin ng mga terorista ay ang masakop at maangkin ang Jerusalem at ngayon isinasali na rin nila ang Tel Aviv sa kanilang nais na maangkin.
Samantala, binigyang-diin pa niya ang magandang pamamahala ng gobyerno ng Israel dahil aniya, mahalaga para sa mga ito ang bawat isang buhay at nakatatak talaga sa mga ito ang pagiging isang Kristyano.
Dagdag pa nito na halos nasa 30% sa mga establisyimento ang kasalukuyang nagsara dahil nakiisa na rin ang Hezbollah mula sa Iran sa pagsalakay sa Israel kung saan brutal nilang pinagpupugot ang mga ulo ng mga sundalong kanilang nabibihag.