-- Advertisements --

Walang listahan ng mga narco politicians na hawak ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang binigyang linaw ni PNP Chief Oscar Albayalde kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang may kapangyarihan na ilabas ang narco list sa publiko.

Pero ayon sa PNP chief, pabor sila na ilabas ang naturang listahan pero kailangan muna isailalim sa matinding validation upang hindi unfair sa ibang poulitiko na hindi naman sangkot sa iligal na droga.

Una nang sinabi ng Commission on Elections na huwag ng ilabas ang narco list at kasuhan na lamang ang mga ito para hindi mauwi sa negative campaigning.

Ngayong araw magpupulong ang Department of the Interior and Local Government, Philippine Drug Enforcement Agency, at Dangerous Drugs Board, kaugnay sa planong paglalabas ng narco list.

Inihayag pa ni Albayalde na may karapatan ang publiko na malaman kung sinu-sino ang mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.

Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na kanilang ilalabas ang narco list bago magsimula ang local campaign ngayong Marso.