Nais isapubliko ang Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa midertem election sa darating na Mayo 12, 2025 ayon ‘yan kay Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia.
Ang nasabing pahayag ay isinagawa sa National Information Summit at the Development Academy of the Philippines saTagaytay City, kahapon, Sabado.
Kabilang sa mga first-time feature ay ang paglalagay ng certificates of candidacy (COC) ng lahat ng local at national candidates at certificates of nomination at certificates of acceptance ng nominasyon ng party-lists dalawang linggo matapos ang paghahain.
Kabilang si Garcia sa mga speaker sa ikatlong araw na National Information Summit 2024 sa Development Academy of the Philippines, na dinaluhan ng mga provincial at regional chiefs ng media at information bureaus ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang lahat ng lugar para sa paghahain ng COC ay itinakda naman sa Oktubre 1 hanggang 8, pati na rin ang bilang ng mga posisyon sa bawat lalawigan ay ipo-post din.
Pagkatapos ng halalan, isapubliko naman ng Comelec ang mga statement ng contributions at expenditures ng mga kandidato.
Sinabi rin ni Garcia na magkakaroon ng 171 venue sa buong bansa para sa mall voting, na uunahin ang mga barangay sa paligid ng mga establisyimento.
Samantala, ang mga Pilipino ay boboto sa susunod na taon para sa 12 senador, 254 district representatives, 63 party-list organizations, 82 governors, 82 vice governors, 149 city mayors, 149 city vice mayors, 1,493 municipal mayors, 1,493 municipal vice mayors, at mga miyembro ng city council. mga lupon ng probinsiya, at mga konseho ng munisipyo.
Habang ang mga botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay makakapaghalal din ng 32 miyembro ng parliament nito ng 40 party-list representatives.