Nagiging maganda na ang ginagawang ensayo ng national karate team para sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa bansa.

Mula pa noong nakaraang buwan ay nasa Japan na ang national karate team at sila ay babalik sa Oktubre 30 para sa last stage ng preparations sa SEA Games.

Bukod sa SEA Games ay pinaghahandaan na rin nila ang qualifying tournaments para sa Tokyo 2020 Olympics.

Ilan sa potential na manalo ng gold medal sa SEA Games ay si Jamie Lim ang anak ni PBA legend Samboy Lim na nakapag-uwi na ng gold medal sa isang torneyo sa Turkey.

Kabilang din dito sina Filipino-American Jone Orbin, Filipino-Japanese Junna Tsukii at Sherriff Afif at sila ay nagsasanay sa ilalim ni Turkish Coach Okay Arpa.

Ilan sa mga members ng national karate team ay sina Miyuki Tacay, Rexor Tacay, Ivan Agustin, Mae Soriano, Prince Alejo, Sharief Alejo at Eugene Dagohoy.