Kailangan munang pag-aralan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang procedures sa ideyang pagsasampa ng kaso laban sa China sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kasunod ng paglalagay ng Chinese Coast Gaurd ng floating barriers sa Scarborough shoal na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Saad pa ng kalihim na ang ginawang pagtanggal ng Philippine Coast Guard sa ininstall na floating barriers ng China sa isla ay alinsunod sa posisyon ng PH sa West Philippine Sea dahil may karapatan ang bansa na i-praktis ang ating soberaniya at ang ating sovereign rights.
Una na ring sinabi ng DFA, na nakahanda ang bansa na gawin ang lahat ng kaukulang hakbang para mapairal ang karapatan nito sa Scarborough shoal.
Aniya, ang naturang shoal ay isang mahalagang parte ng PH kung saan mayroon tayong soberaniya at territorial jurisdiction base sa United Nations Convention on the Law of the Sea na nagpapalawak ng territorial jurisdiction ng maritime states hanggang sa 200 nautical miles mula sa mga baybayin nito na nilagdaan ng hindi bababa sa 162 mga bansa kabilang ang Pilipinas at China.