-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT Tropang 5G ang Terrafirma Dyip 110-74 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Philippine Cup.
Ito na ang magkasunod na panalo ng TNT kung saan mayroon na sila ngayong dalawang panalo at tatlong talo habang ang Dyip ay mayroon lamang isang panalo at limang talo.
Nanguna sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 22 points habang mayroong 19 points is Poy Erram at 12 points naman si Rey Nambatac.
Dominado ng TNT ang laro kung saan pumalo pa sa 46 ang kanilang kalamangan.
Nasayang naman ang tig-16 points na naitala nina Louie Sangalang at Mark Nonoy para sa Dyip.