-- Advertisements --

Positibong tinanggap ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DOJ) laban sa apat na pulis at tatlong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng tinaguriang “Commonwealth misencounter”.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba, na ang hakbang ay magbibigay ng pagkakataon sa mga nasasakdal na ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte.

Sinabi ni Alba na kanila ng ipauubaya ang kapalaran ng mga akusadong Pulis sa korte, bilang bahagi ng due process.

Matatandaan na nagsasagawa ng magkahiwalay na operasyon ang mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) at PDEA sa isang mall sa Commonwealth Avenue, nang mangyari ang mis-encounter noong Pebrero ng nakaraang taon, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na tao.

Ang mga ahente ng PDEA na sina Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol atJelou Santiniaman ay kakasuhan ng homicide sa pagkamatay ni PCpl. Eric Garado.


Habang ang mga pulis ng QCPD na sina PCpl Paul Christian Gandeza, PLt Honey Besas, PMaj Sandie Caparroso at P/SMSG Melvin Merida ay kakasuhan ng direct assault dahil sa pananakit umano sa mga PDEA agents.