-- Advertisements --
deped building

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng earthquake at fire drills tuwing unang at ikatlong linggo kada buwan.

Base sa bagong kautusan ng DepEd, ang mga school heads at school disaster and risk reduction management coordinators ang siyang mamumuno sa pagpaplano, pagpapatupad at pagsubaybay sa naturang mga aktibidad.

Ito ay para matiyak na lahat ng mga mag-aaral ay magabayan ng maayos sa kung ano ang nararapat na gagawin sa kasagsagan at pagkatapos ng lindol o tuwing mayroong sunog kung sakali man sa mga paaralan.

Hiniling din ng Deped sa mga paaralan sa National Capital Region,Bulacan, Cavite, Laguna at rizal na lumikha ng isang hiwalay at angkot na disaster plan para sa pagtama ng malalakas na lindol.

Liban pa sa pagtiyak ng seguridad ng mga estudyante at school personnel, sinabi din ng DepEd na ang nasabing aktibidad ay isang preventive measure para sa pag-familiarize ng mga maaaring exit points at makapagpatupad ng naayon na aksiyon sa tuwing may kalamidad.

Makaktulong ayon sa kagawaran ang epektibong preparedness plan para makasalba ng buhay.

May option naman ang mga private schools, community learning centers, at state or local universities and colleges na i-adopt ang nasabing kautusan para sa kanilang sariling disaster preparedness plan.