-- Advertisements --
Itinuturing ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg na isang makakasaysayan ang papasok ng FInland bilang bagong miyembro ng NATO.
Ang Finland ay siyang magiging ika-31 na bansa na miyembro ng NATO.
Sinabi pa nito na dahil dito ay magiging ligtas at lalakas pa lalo ang alyansa nila.
Bumiyahe naman si Finnish President Sauli Niinistö sa Brussels kung saan matatagpuan ang headquarters ng NATO para saksihan ang pormal na pagtanggap ng NATO sa Finland bilang bagong miyembro nila.
Mula kasi noong lusubin ng Russia ang Ukraine ay maraming mga bansa ang nagpamiyembro sa NATO para mapatatag ang kanilang alyansa.