Maaring masyadong maaga pa upang matukoy kung ang naiulat na pagtaas ng mga impeksyon sa coronavirus ay magdudulot ng malaking epekto sa pampublikong kalusugan at katayuan ng seguridad sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dapat subaybayan muna ng Health department ang two-week growth at ang average daily attack rate sa bawat daang libong populasyon upang matukoy kung may pangangailangan na ilagay ang NCR sa mas mataas na antas ng alerto.
Ang kabisera na rehiyon ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 — ang pinaka-relax sa limang antas ng COVID-19 alert level — hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Aniya, sa ngayon wala pa at lalong hindi pa raw naapektuhan ang healthcare utilization rate kung saan as of Wednesday, nasa less than 20 percent; nasa 17 percent naman ang non-ICU bed capacity, at 16% yung ICU high capacity.
Nauna nang iniulat ng OCTA Research na nakakita ito ng 19% na pagtaas sa pang-araw-araw na average na kaso ng COVID-19 sa kabisera na rehiyon sa nakalipas na pitong araw.