-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ng pamunuan ng MRT-3 ang pamamahagi ng health declaration forms sa mga pasahero.

Ito ay bahagi ng ginagawang contact tracing sa mga commuters para paigtingin ang implementasyon ng health at safety measures para sa mga pasahero.

Ginawa ito ng pamunuan ng MRT-3 kasabay nang pagbabalik-operasyon ng mga tren ngayong araw, Hulyo 13, kasunod ng suspensyon ng operasyon noong nakaraang linggo dahil sa paglobo ng bilang ng kanilang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DOTr), “kinakailangang sagutan ng mga pasahero ang mga nakasaad na detalye sa health declaration form, kabilang na ang pangalan, address, contact number, station entry, petsa at oras, temperature at kung nakararanas ba ng mga sintomas ng COVID-19.”

Kasabay nito ay tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na pribado ang mga impormasyon na makokolekta mula sa kanilang mga pasahero.