-- Advertisements --

Inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at US President Joe Biden.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, na posibleng isabay ang pag-uusap ng dalawa sa pagdalo nila sa United Nations General Assembly sa New York.

Nakadepende pa rin aniya sa mga schedule ng dalawa kung ito ay matutuloy.

Kung maalala tiniyak kamakailan ni US Deputy Secretay of State Wendy Sherman na puwedeng maglakbay si Marcos sa US at hindi ito maaaresto sa kabila ng naunang $353 milyon contempt order laban sa pamilya nito kaugnay ng kasong human rights.