-- Advertisements --
image 307

Nangako ang Bureau of Customs na lalawakan pa nito ang pagpapalakas sa intellectual property rights protection sa bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ito ay sa pamamagitan ng pagpigil sa pagpasok ng mga counterfeit goods sa buong bansa.

Naiintindihan aniya ng ahensiya ang pangangailangan na maprotektahan ang intellectual property ng bawat tao at bawat negosyo sa bansa, upang maging kampante ang bawat isa sa sariling mga inisyatiba at produkto.

Dagdag pa ni Rubio na sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kampanya para sa proteksyon ng Intellectual Property, lalo pang mapapalakas ang business sector sa bansa, at mahikayat ang fair competition dito.

Kamakailan nang ginawaran ng isang malaking sportswear company ang Bureau of Customs, dahil sa pagkakakumpiska nito sa mahigit P1.56Billion na halaga ng mga produkto nito.

Ayon kay Rubio, palatandaan ito ng magandang kampanya ng ahensiya.