-- Advertisements --

Kasabay ng pagbubukas ng tourist destinations sa bansa para sa mga turista, inanunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na hidni na minamandato ang pagpresenta ng proof of vaccination at pagsusuot ng face mask sa mga tourism enterprises.

Kaakibat ng liberalisasyon mula sa covid-19 restrictions ng pamahalaan sa bansa, inisyu ng DOT ang isang Memorandum Circular (MC) 2023-0002 ng DOT para sa pagluluwag sa health at safety guidelines para sa pangangasiwa sa operasyon ng tourism establishments.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang naturang memorandum circular ay kaalinsabay ng pagsusumikap ng pamahalaan na sinimulan noong nakalipas na taon para matulungan ang toursim stakeholders sa kanilang economic hardships sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga regulasyon sa pagbubukas ng turismo ng bansa.

Kung maaalala na una ng nag-isyu ang Office of Tourism Standards and Regulation (OTSR) ng Memorandum 2022-509 sa Nobiyembre 2022 para sa boluntaryong pagsusuot ng face mask at pagmamandatro ng pagpresenta ng proof of full vaccination sa tourism enterprises.