Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang magmadali sa pagpili ng bagong PNP (Philippine National Police) chief kapalit ng nagbitiw na si Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi ni Pangulong Duterte, lahat naman ng mga pangalang inirekomenda sa listahan na posibleng maging kapalit ni Albayalde ay pawang magagaling at walang kuwestiyon sa kanilang integridad.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya nagmamadali dahil sa sandaling may hirangin na siya sa isang puwesto ay hindi niya ugaling panghimasukan pa ang anomang diskarte nito.
Maliban sa tatlong nasa kanyang listahan na posibleng susunod na maging chief PNP, may isa pang pangalan itong binanggit at ito ay si dating Manila Police District director Vicente Danao na magaling daw pero mainitin ang ulo.