-- Advertisements --
minors

Nasa iba’t ibang local government units (LGUs) na umano ang bola kung papayagan ang mga menor de edad na lumabas ng kanilang mga bahay sa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang pagpayag na lumabas ang mga menor de edad ay base sa mga guidelines sa mga areas na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).

Dagdag nito, hiniling na rin daw niya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na pag-usapan ng NCR mayors ang naturang isyu sa ilalim ng Alert Level 3.

Ito ay posibleng pag-usapan bukas dahil hanggang sa ngayon ay hati pa rin umano ang desisyon ng mga alkalde kung papayagan na ang mga minors na lumabas.

Noong Miyerkules nang aprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) Management of Emerging Infectious Diseases na ilagay sa Alert Leve 3 ang NCR simula bukas hanggang Oktubre 31.