Ambush sa Cebu na kinondena ng NUPL
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mariing kinondena ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang pananambang sa human rights lawyer na si Atty. Rex Fernandez sa R. Duterte Street, Barangay Guadalupe, Cebu City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Joebert Pahilga, founding member ng NUPL, sinabi nito na isa rin si Fernandez sa founding member ng kanilang grupo.

Ayon kay Pahilga, isang matapang na abogado si Fernandez kung saan isa siya sa mga nagkampanya sa pag-abolish ng pork barrel system at nagsilbi ring legal counsel ng mga Cebu activists na nagsagawa ng pag-aaklas laban sa anti-terror law.

Umaasa naman ang NUPL na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang kay Fernandez na ikatlong abogado na sa Cebu na pinaslang sa loob lang ng isang taon.