LA UNION – Binigyan ng isang buwang palugit ni Brigadier General Joel Orduña, director ng Police Regional Office-1, ang Special Investigation Task Group (SITG) upang lutasin ang kasong pagpaslang kay Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court Branch 25 Judge Mario Anacleto Bañez.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Orduna, sinabi nito na inatasan niya ang SITG Bañez na madaliin ang pagkalap ng mga ebidensya at paghanap ng testigo upang matukoy ang mga salarin na pumatay sa hukom.
Ayon pa sa opisyal, sa kabila ng mabilisang pagkilos sa pagsisiyasat ay magiging maingat din ang mga ito upang matiyak na ang totoong responsable sa krimen ang mapapanagot sa batas.
Samantala, dinala na sa kanilang tahanan sa San Fernando, La Union, ang labi ni Judge Bañez matapos itong mapaglamayan ng magdama sa bayan ng Tagudin.