-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagpataw ng mas mataas na excise tax sa mga junk food para matuguna ang obesity sa bansa at para mapondohan ang Universal Health Care program.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang obesity sa bansa ay nananatiling public health concern.

Ang naturang sin tax aniya ay bahagi ng stratehiya ng DOH para maregulate at makontro ang iba’t ibang lifestyle risk factors.

Base sa latest survey mula sa Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute, umaabot sa 27 million Pilipino ang overweight at obese.

Ayon sa ahensiya sa nakalipas na dalawang dekada, dumoble ang bilang sa mga adults na overweight at obese na nasa 20.2% mula noong 1998 hnaggang 36.6% noong 2019.

Habang sa teenagers naman ang rates ng overweight at obesity ay mas dumami mula sa 4.95 noong taong 2003 sa 11.6% noong 2018.

Inihalimbawa pa ni Vergeire na dahil sa mas mataas na buwis sa mga sigarilyo sa bansa bumaba ang users ng hanggang 20% noong 2019 mula sa dating 31% noong 2008.

Ibinunyag din ni Vergeire na para ngayong tain , nasa 59% o P155 billion ng pondo ng DOH ay mula sa sin taxes na maaaring makapagpondo pa sa mga interventions ng ahensiya para makapagbigay ng universal health care para sa lahat.