-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang tropical storm Dante na nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, posibleng ito na rin ang maging hudyat ng pagsisimula ng maulang panahon at paglakas ng hanging habagat.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 515 km sa silangan hilagang silangan ng Davao City o 445 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Maliban dito, may isa pang low pressure area (LPA) na binabantayan dahil papalapit din ito sa ating bansa.