BAGUIO CITY – Pinahintulutan na ang pagpasok ng mga buhay na baboy, karne ng baboy, mga frozen pork at pork products sa lalawigan ng Benguet.

Ito ay alinsunod sa utos ni Governor Melchor Diclas.

-- Advertisement --

Gayunpaman, kasama sa utos ng gobernador na kailangang ang mga ipapasok na pork products sa lalawigan ay magmumula sa mga lugar na may layong 10 kilometro mula sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Maaalalang noong nakaraang taon ay ipinagbawal ang pagpasok ng mga karne ng baboy sa lalawigan ng Benguet at iba pang lugar dahil sa African Swine Fever.