-- Advertisements --

Wala pa umanong desisyon ang pamunuan ng Miss Eco-International kung ipapasa ang korona at 2019 title sa Pinay na tinanghal bilang first runner-up.

Ito’y ayon sa sa franchise holder ng Miss World-Philippines na si Arnold Vegafria.

Nabatid na na-dethrone si Suheyn Cipriani ng Peru dahil daw sa ito’y nabuntis, bagay na hindi pa kinukumpirma mismo ng 24-year-old beauty queen.

Gayunman, tapos na ang reign ni Maureen Montagne bilang Miss World-Eco International 2019 at isa naman sa mga kandidata sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Miss Eco Intl Pinay 1st runner up 2
Maureen

Kung maaalala, inanunsyo na rin ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na hindi muna itutuloy ang Binibining Pilipinas 2020 pero kailangan pa rin magpaalam ng Miss Eco organizers bago ilipat kay Maureen ang korona.

Sinabi ni Vegafria sa pep, sakaling mailipat ang korona kay Maureen ay otomatikong siya na rin ang ambassador ng United Nations for Eco-Tourism.

Gaganapin ang Miss Eco International 2020 sa Egypt pero mula Agosto, iniurong ito sa Setyembre.

Ang dating miyembro ng GirlTrends na si Kelley Day ang pambato ng Pilipinas.

Kaya kung sakali, hanggang Setyembre pa isusuot ni Maureen ang Miss Eco International crown.