Toto M
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isa sa pinakamalaking tagumpay ng mamamayang Bangsamoro ay ang pagkakapasa ng House Bill No. 10121 at Senate Bill No. 2214 na naglalayong maisabatas ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) extension hanggang 2025 sa pamamagitan ng pagpirma ni President Rodrigo Duterte.

Ang pagpapatupad ng BTA extension ay isa sa mga matagal nang isinulong at pinagsikapang maipasa ni Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu upang magkaroon ng tunay na kapayapaan at tuloy-tuloy na kaunlaran sa BARMM.

Lubos na nagpapasalamat si Cong. Toto kay Presidente Rodrigo Duterte at sa lahat ng mga lider-kongresista at mga senador sa bansa na sumang-ayon sa pag-apruba ng BTA extension.

Hindi rin mawawala ang taos-pusong pasasalamat ni Mangudadato sa lahat ng mga nanalangin at sumuporta mula sa BARMM.

Ang pagkaka-apruba raw ng bill sa Senado at Kongreso ay isang binhi sa pagpapatuloy ng kapayapaan at kaunlaran sa minamahal nating probinsya ng Maguindanao at kabuuan ng BARMM.

-- Advertisement --