-- Advertisements --

Umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na magpasa ng isang panukalang batas na nagmamandato sa Office of the Civil Registry na ibigay ang death certificates ng mga pumanaw na botante sa poll body nang libre para mapabilis ang paglilinis ng voters’ registration.

Gnawa ni Comelec chairman George Garcia ang naturang pahayag sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros sa pagtugon sa mga indibidwal na nagparehistro bilang botante sa multiple LGUs kasabay ng deliberasyon ng Commission on Appointments sa kaniyang nomination bilang Comelec chair,

Inihalimbawa ni Garcia na sa ilalim ng umiiral na batas mahirap na i-update ang listahan ng mga rehistradong botante sa real time dahil ang mga registered voters sa isang partikular na lugar gaya ng Camarines Sur ay maaaring naideklarang patay sa lungsod ng Manila kung saan nakarehistro din ito na botante.

Ayon pa kay Garcia na hindi ibinibigay ng office of the Civil Registrar ang nasabing records nang walang fee dahil mandato nilang mag-isyu ng certification tulad na lamang aniya kapag mayroong 500,000 botante ang pumanaw at kailangan na magbayad ng poll body ng P5 sa bawat isang deceased person kailangan nilang magbayad ng P2.5 million subalit walang resources dito ang poll body.

Kayat umaasa si Garcia na magakaroon ng isang legsilation para makuha nila ang records ng walang bayad at mabilis na ma-trace ang record ng mga pumanaw na botante.